Maria Cristina Falls
Ang Maria Cristina Falls ay ikalawa sa pinakamataas na talon sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa Iligan City sa hilagang bahagi ng Mindanao. Ang Maria Cristina Falls ay madalas na tinutukoy bilang 'kambal talon o twin falls' dahil ang daloy ng tubig ay pinaghihiwalay ng isang bato sa gitna ng talon. Ang talon na ito ay pinagkukunan ng enerhiya ng Agus VI Hydroelectric Plant na siyang nagbibigay ng kuryente sa malaking bahagi ng Mindanao.
